Ang nag-iisang nanalo sa Visual Narrative Category ng 'Mga Kuwentong Pagkain 2022' ay si Roel Anthony Wagan.
Isang estudyante at freelancer, inilahad ni Anthony sa isang video ang kwento ng kanyang pamilyang taga-Laguna. Bilang malapit sa lawa ang kanilang tahanan, madalas ang pagluto ng Sinigang na Ayungin sa Bayabas ang kanyang Lola Emma gamit ang sariwang isda na hinuhuli ng kanyang lolo. Labis sa pagsasalamin sa likas na yaman ng kanilang masaganang komunidad, ang simpleng sinigang na ito ay isa ring simbolo ng pagsisikap ng kanilang pamilya at ang bayanihan ng mga Pilipino.
Panoorin ang kanyang video dito:
Abangan ang mga nanalo sa ibang kategorya dito sa website at sa aming social media page.